Four Poems

Written in Filipino by Rowena Festin

Add
Sa Aking Kama Tuwing Gabi

 

Kinaiinisan ko

Ang mga gabing nagigising ako

Dahil tinatawag mo, inaaya

Maglakad sa kung saan

Sundan ang dama de noche

Na nakikiraan sa magdamag

O kaya’y hanapin ang puno

Ng mga nawawalang alitaptap.

 

Hindi naman ako bumabangon

Pinakikinggan ko lang

Ang malambing na tinig

Ang paanyayang nanghahalina

Ipinaghehele ako 

Na muling matulog. 

 

2009

***

Anim

 

1

Matindi ang sikat ng araw, mahal

Ngunit nagyeyelo sa aking dibdib

Na hindi kaya tunawin

Ng anumang disyertong yakap.

 

2

Maanghang ang lasa ng iyong lambing

Na sumusunog sa aking himbing.

 

3

Yelo ang iyong halik

Giniginaw ako

Sa kalagitnaan ng tag-araw

 

4

Mahigpit ang iyong yakap, mahal

Naiipit ang aking paghinga

Nadudurog ang aking puso.

 

Nangangatal ang aking kaluluwa

Sa lupit ng pag-iisa

Nagangatog ang aking dibdib

Sa ginaw ng magdamag.

 

6

Pinatitigas ang puso

Ng matitinding pasakit

At ang lumalamlam na puson

Ay nagpapaasero sa dibdib.

 

2010

***

Marso

 

Tinatarak ng araw ang dibdib ng lupa

At pinasisingaw ang naiwang hamog

Pumuputok ang mga ubeng bulaklak

Ng kakawate sa gilid ng kalsada

At namumula

Ang mga nakahilerang kabalyero

Mga brasong nakadipa

Nagsasabog ng lilim

Habang pinaninilaw

Ang nalalagas na mga dahon

At unti-unti namamatay ang mga damo. 

 

Sa ganitong panahon kita naaalala

Kasing-init ng yakap ng araw

Kasing-liwanag ng sikat

Na lumulusot sa pagitan

Ng mga dahon at bulaklak

Kasingbini ng hanging

Umiihip, humahalik sa mukha

Ng pawisang lupa. 

 

Sa ganitong panahon kita naaalala

Sa ganitong panahon ng ating kalayaan.

 

2009

***

G-spot

 

Kaninang nginitian mo ako

ng mangiping ngiti

at tinitigan

ng antuking mga mata

tila nagkahamog

sa katanghalian. 

 

2000

***

From «Banayad. Mga Tula. 2016. Quezon City: The University of the Philippines Press»

 

Published October 14, 2024
© Rowena Festin

Four Poems

Written in Filipino by Rowena Festin


Translated into German by Annette Hug

Jede Nacht in meinem Bett

 

Wie mich das aufregt

Wenn ich nachts aufwache

Weil du rufst, lockst

Irgendwohin zu gehen

Dem Nachtjasmin zu folgen

In eine duftende Freinacht

Oder den Baum zu suchen

Wo die Leuchtkäfer verschwinden

 

Ich richte mich nicht auf

Höre nur von fern

Die zärtliche Stimme

Das lockende Komm-Komm

Ein lullendes Lied

Um wieder einzuschlafen

 

2024

***

Sechs

 

1

Die Sonne strahlt heftig, Liebste:r

Aber die Brust friert ein 

Sie lässt sich nicht auftauen

Von keiner Wüsten-Umarmung

 

2

Scharf schmeckt dein Schmeicheln

Brennt in meinem Schlummer

 

3

Eis ist dein Kuss

Ich friere ein

Im Hochsommer

 

4

Du hältst mich eng, Liebste:r

Schnürst mir den Atem ab

Zerbrichts mein Herz

 

5

Die Seele zittert

In roher Einsamkeit

Die Brust bebt

In schlafloser Kälte

 

6

Das Herz ist verhärtet

Vom heftigen Schmerz

Ein Glimmen im Unterleib

Stählt die Brust

 

2024

***

März

 

Die Sonne sticht auf den Boden ein

Und Nebelresten verdunsten

Die lila Blüten des Kakawate

Platzen mitten auf der Straße

Und rot werden 

Kabalyero-Bäume reihenweise

Die Äste ausgestreckt

Schatten verbreitend

Dann fallen schon 

Die gilbenden Blätter

Und langsam stirbt das Gras.

 

In dieser Zeit des Jahres scheinst du nah 

So heiß wie mich die Sonne umarmt

So grell wie sie strahlt

Selbst durch die Lücken

Im Blätter- und Blütendach

So zurückhaltend wie der Wind 

Weht, das verschwitzte Gesicht

Des Bodens küsst.

 

In dieser Zeit des Jahres scheinst du nah

In dieser Zeit unserer Unabhängigkeit

 

2024

***

G-Punkt

 

Eben hast du mich angelächelt

ein Zähnchenlächeln

ein kurzer Blick

aus verschlafenen Augen

als liege der Mittag

im Nebel.

 

2024

Published October 14, 2024
© Rowena Festin


Other
Languages
Filipino
German

Your
Tools
Close Language
Close Language
Add Bookmark